15.2 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Bacnotan District Hospital, papaigtingin ang pagsasanay sa Basic Life Support at Standard First Aid

Papaigtingin ng Bacnotan District Hospital (BDH) ang pagsasanay ng kanilang mga empleyado sa Basic Life Support (BLS) at Standard First Aid (SFA) sa MacArthur Highway, Bacnotan, La Union.

Sa mithiing maturuan ang lahat na empleyado at kawani ng BDH na maging sanay sa mga technique sa pagsagip ng buhay at pagbibigay ng pangunang lunas, inorganisa ang serye ng pagsasanay sa pamumuno ni Dr. Zenserly D. Pagaduan, Chief of Hospital at Dr. Jennifer Gamiao, Safety Officer.

May kabuuang 65 empleyado ang lumahok sa nasabing training na pinangasiwaan ng Provincial Risk Reduction Management Office mula Abril 2022 hanggang Mayo 2022.

Kabilang sa mga paksang tinalakay ay bandaging, spine board management, cardiopulmonary resuscitation, choking, burns, at pagkalason.

Inaasahan naman na makukumpleto ang pagsasanay ng natitirang 61 empleyado sa Agosto 2022.

Isa lamang ito sa maraming patunay na ang ating gobyerno ay iniisip ang kapakanan ng ating kalusugan at prayoridad ang kaligtasan ng bawat indibidwal na maaaring makaranas ng mga naturang sakit at insidente.

Source: Provincial Government of La Union

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles