Sumuko ang isang babaeng miyembro ng New People’s Army (NPA) sa 2nd Nueva Ecija Provincial Mobile Force Company Headquarters, Barangay San Juan, San Jose City, Nueva Ecija nito lamang Miyerkules, ika-15 ng Abril 2025.
Kinilala ang sumuko na si alyas “Ka Basa”, babae, nasa hustong gulang at residente ng Guimba, Nueva Ecija.
Nabatid na ang sumuko ay mga miyembro ng Underground Mass Organization – Liga ng Manggagawang Bukid (LMB).
Isinuko din nito ang isang unit ng homemade caliber .38 revolver na walang serial number, at tatlong bala.

Patuloy ang pamahalaan sa panawagan sa iba pang miyembro at tagasuporta ng NPA na sumuko at magsimulang muli kasama ang kanilang mahal sa buhay.