15.4 C
Baguio City
Wednesday, September 18, 2024
spot_img

Babaeng miyembro ng NPA, nagbalik-loob sa pamahalaan

Boluntaryong nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) at kusang-loob na isinuko ang kanyang baril sa mga otoridad sa Barangay Bulihan, Malolos City, Bulacan nito lamang Lunes, ika-9 ng Setyembre 2024.

Kinilala ang sumuko na isang babae, walang asawa , 51 taong gulang at residente ng Barangay Calero, Malolos City, Bulacan.

Napag-alaman na ang sumuko ay dating miyembro ng Bagong Hukbong Bayan, na nag-ooperate sa Bulacan, Bataan, Pampanga at Zambales.

Samantala, kasabay ng pagbabalik-loob nito ay isinuko din niya ang isang caliber .38 na walang serial number na may tatlong bala.

Patuloy naman ang panawagan ng pamahalaan sa iba pang miyembro ng NPA na sumuko at magsimulang muli kasama ang kanilang pamilya.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles