Sumuko ang tinaguriang medical officer ng New People’s Army (NPA) sa mga awtoridad sa Camp Juan M Duyan, Bulanao, Tabuk City, Kalinga, nito lamang ika-19 ng Setyembre 2024.
Kinilala ang sumuko na isang 74 anyos na babae, at nagsisilbing medical officer ng Supra Provincial Committee, Larangang Yunit Gerilya sa ilalalim ng pamumuno ni “Ka Sugar Command”.
Patuloy ang gobyerno sa paghikayat sa iba pang miyembro ng teroristang grupo na sumuko at magbalik-loob upang magsimulang muli malayo sa karahasan at gulo kapiling ang kanilang mahal sa buhay.