Boluntaryong sumuko ang isang babaeng informant ng New People’s Army (NPA) sa mga otoridad sa Brgy. Katabbogan, Pinukpuk, Kalinga nito lamang ika-31 Enero 2024.
Kinilala ang babaeng NPA na isang dating naglingkod bilang informant ng armadong grupo para sa kanilang pangangalakal at pagmamanman ng tropang gobyerno sa kanilang lugar.
Nakumbinsi ang naturang NPA na sumapi sa kilusan dahil madalas na bumibisita sa kanilang lugar ang grupo ng NPA upang magsagawa ng pagpupulong at talakayan kung saan naorganisa ang Under Ground Movement Organization (UGMO) -Grupong Kababaihan ng Zinundungan Valley, Rizal, Cagayan.
Ang boluntaryong pagbabalik-loob sa gobyerno ay patunay na ang pamahalaan ay nagsisikap upang itaguyod ang kapayapaan sa buong bansa.