20.1 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Ayudang bigas at pera, naipamahagi sa 500 benepisaryo mula sa Lokal na Pamahalaan ng Isabela

Matagumpay na naipamahagi ang mga ayudang bigas at pera sa mga residente ng San Pedro at San Pablo Aurora, Isabela na personal na pinamahagi ni Governor Rodito T Albano III, Vice Governor Faustino “Bojie” G Dy III, Mayor Joseph Christian G Uy at mga lokal na opisyal na dumalo sa programang ginanap sa Aurora Gymnasium noong ika-15 ng Marso 2023.

Masaya at lubos ang pasalamat ng mga nakatanggap ng isang sako ng bigas at Php3,000.

“𝘔𝘢𝘭𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘵𝘶𝘭𝘶𝘯𝘨𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘵𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢𝘱 𝘯𝘢𝘮𝘪𝘯 𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘛𝘜𝘗𝘈𝘋 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨-𝘢𝘢𝘳𝘢𝘭 𝘯𝘨 𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘦𝘴𝘵𝘶𝘥𝘺𝘢𝘯𝘵𝘦 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘨𝘬𝘢𝘪𝘯 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘮𝘪𝘭𝘺𝘢”, pahayag ni Nerisa Dela Cruz, 50 taong gulang, residente ng San Pedro-San Pablo, Aurora na asawa ng isang tricycle driver. Isa siya sa 500 na tumanggap ng naturang ayuda.

Lubos naman ang pagpapaabot ng pasasalamat ni Mayor Uy sa mga lider ng probinsya sa tuloy-tuloy na tulong at ayuda para sa kanilang bayan.

Pinagmalaki din niya ang pagkakaisa ng mga mamamayan ng Aurora. “Asahan niyo kung ano yung nakikita niyo na mabilis nating pagkilos, mabilis tayong umaksyon at hindi tayo titigil sa pag-iisip at pag-implementa ng mga bagay-bagay na magtataas ng antas ng pamumuhay natin dito sa bayan ng Aurora, asahan niyo yan. Itataas po natin ang financial assistance. Para sa kaalaman po ni Gov. at Vice Gov. dito sa bayan ng Aurora yung registration fee, yung franchise fee binabalik po namin sa kanila,” karadagan niyang pahayag.

“𝘔𝘢𝘬𝘢𝘬𝘢𝘢𝘴𝘢 𝘱𝘰 𝘬𝘢𝘺𝘰 𝘯𝘢 𝘱𝘢𝘵𝘶𝘭𝘰𝘺 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘬𝘪𝘬𝘪𝘱𝘢𝘨-𝘶𝘨𝘯𝘢𝘺𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘸𝘢𝘵 𝘭𝘪𝘥𝘦𝘳 𝘯𝘨 𝘱𝘳𝘰𝘣𝘪𝘯𝘴𝘺𝘢 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘮𝘢𝘵𝘪𝘺𝘢𝘬 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘬𝘢𝘣𝘢𝘣𝘢𝘺𝘢𝘯 𝘥𝘪𝘵𝘰 𝘴𝘢 𝘐𝘴𝘢𝘣𝘦𝘭𝘢 𝘢𝘺 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘪𝘪𝘸𝘢𝘯𝘢𝘯, 𝘬𝘶𝘯𝘥𝘪 𝘴𝘢𝘣𝘢𝘺-𝘴𝘢𝘣𝘢𝘺 𝘵𝘢𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘣𝘢𝘨𝘰 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘢𝘯𝘥𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘪𝘯𝘢𝘣𝘶𝘬𝘢𝘴𝘢𝘯”, pahayag ni Vice Governor Dy.

Pinasaya din niya ang mga tao sa pagbibigay ng perang papremyo sa kanyang mga palaro na kinatuwa ng madla. Malakas na palakpakan ang binigay ng mga tao sa mensahe ni Governor Albano na nagdulot ng magandang balita sa kanila.

“May mga programa na kami sa kapitolyo para makapagbigay pa ng todo-ayuda sa inyo at nakaplano na yan. Kita niyo ang dami naming programa ni Gov Bojie para sa inyong lahat yan. Ang iniisip na lang namin para sa kapakanan niyo at para sa kinabukasan ng mga anak niyo”, pahayag niya.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles