Mahigit 1,000 residente sa bayan ng Candaba na lubog pa rin sa tubig-baha ang nakatanggap ng food packs mula sa Lokal na Pamahalaan ng Pampanga sa Barangay San Agustin, Candaba, Pampanga nito lamang Sabado, ika-7 ng Setyembre 2024.
Ang naturang aktibidad ay pinamunuan ni Hon. Dennis “Delta” Pineda, Gobernador ng Lungsod, karuwang sina Board Members Ananias Canlas Jr. at Nelson Calara, Engr. Arthur Punsalan ng PG-ENRO, at mga kasamahan sa PDRRMO, PSWDO, GSO, at PIO upang maihatid ang tulong para sa mga Kapampangan.
Labis ang pasasalamat ng mga benipisyaryo sa napakaraming tulong at proyekto na ibinibigay ng Kapitolyo para sa kalusugan at kapakanan ng kanilang barangay.
Layunin ng programa na ipadama ang malasakit at pagpapahalaga ng pamahalaan sa mga mamamayan sa pamamagitan ng paghahatid ng mga ganitong serbisyo para sa inaasam na maunlad at masaganang Bagong Pilipinas.