Matagumpay na naisakatuparan ang pamamahagi ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) na inisyatibo ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na ginanap sa Quezon Convention Center.
Kabuuang 250 mag-aaral mula sa lalawigan ng Lucena ang nakatanggap ng educational assistance mula sa pondong ibinigay ni Senator Bato na nagpapakita ng suporta at pagpapahalaga sa mga mag-aaral ng nasabing lungsod.

Ang pamahalaang panlalawigan at pamahalaang nasyunal ay naniniwala na ang kaalaman ang susi sa kaunlaran.
Ang ganitong programa ay naglalayong matulungan ang bawat mag-aaral at maiangat ang antas ng buhay lalo’t higit ang antas ng edukasyon sa lalawigan ng Quezon.
Source: Provincial Government of Quezon