16.1 C
Baguio City
Saturday, October 5, 2024
spot_img

Atletang Isabeliño nasungkit ang Silver Medal sa SEA Games

Nasungkit ng isang Isabeliño ang Silver Medal para sa larong Pole Vault sa ginaganap na 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Matagumpay na napanalunan ni Hokett Delos Santos, 19 anyos na mula sa Sta. Isabel Sur, Ilagan City, Isabela ang ikalawang puwesto sa prestihiyosong kompetisyon matapos nitong makuha ang 5 meters record.

Sa pagkapanalo ni Delos Santos ay nakuha ng Pilipinas ang 1-2 finish sa Pole Vault matapos maiuwi ni EJ Obiena ang gintong medalya.

Unang ipinamalas ni Delos Santos ang kanyang galing sa nasabing sport noong 2019 sa ginanap na Under 18 Asian Championship-Asian School Games kung saan nakuha nito ang pangatlong puwesto.

Labis ang kasiyahan ni Delos Santos, nang makamit nito ang Silver Medal sa kanyang pangalawang Sea Games.

Patuloy naman na nag-uuwi ang mga Atletang Pilipino ng karangalan para sa ating bansa sa kasalukuyang ginaganap na SEA Games.

Sources: PIA 2

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles