Naiuwi ng batang atleta ng Baguio ang gintong medalya mula sa Poomsae event ng 2024 8th Asian Taekwondo Championships na kasalukuyang ginaganap sa Da Nang, Vietnam mula ika-11 hanggang 20 ng Mayo 2024.
Si Kobe Macario na tubong Baguio City ay bahagi ng pambansang koponan na nagkamit ng ginto at tansong medalya sa naturang patimpalak.
Naging emosyonal ang pagkapanalo ng Team Pilipinas dahil ang matinding kompetisyon ay naganap laban sa mga pinakamahusay na atleta ng taekwondo mula sa 35 na bansa sa Asya.
Inaasahang si Kobe ay sasabak bilang pambansang koponan para sa nalalapit na 2024 Chuncheon Korea Open Taekwondo Championships, Daegu World University Taekwondo Festival, Asian Indoor Martial Arts Games (AIMAG), at World Poomsae Taekwondo Championships. Layunin ng aktibidad na hubugin ang katauhan ng mga atletang Pinoy, paghusayin ang disiplina sa kanilang sarili at magandang ugnayan sa ibang bansa tungo sa isang mas maunlad na Bagong Pilipinas