Tuloy-tuloy na umaarangkada ang programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) sa mga residente ng Barangay Fe Marcos, San Jose City, Nueva Ecija nito lamang Huwebes, ika-27 ng Abril 2023.
Pinangunahan ni Senator Imee Marcos at Senator Francis Tolentino katuwang ang Department of Social Welfare and Development at Local Government Unit (LGU) ang naturang paghahatid ng tulong sa mga Nueva Ecijano.
Namigay ng financial assistance ang Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad ng Panlipunan sa mga kwalipikadong lubos na nangangailangan ng tulong.
Lubos ang pasasalamat ng mga residente ng nasabing probinsya sa ibinigay na tulong mula sa ating pamahalaan.
Samantala, siniguro naman ng Nueva Ecija PNP ang mahigpit na seguridad ng bawat dumalo upang maging mapayapa ang naturang programa.