20.1 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Araw ng Kalalakihan inilunsad ng pamahalaang panlalawigan ng Quirino

Ipinagdiwang ng pamahalaang panlalawigan ng Quirino Province ang 9th Anniversary ng Araw ng Kalalakihan na may temang: “Kalalakihang may Paninindigan, Una ang Pamilya sa Kanyang Listahan” sa Provincial Capitol Gymnasium, Cabarroguis, Quirino noong Hulyo 12, 2022.

Idinaos ang naturang programa sa pamamagitan ng Population Program Services Division na pinamumunuan ni Froilan B. Herrera, Population Program Officer (PPO).

Ayon kay G. Herrera, ang pagdiriwang ng ‘Araw ng Kalalakihan’ sa lalawigan ay isa sa mga kapansin-pansing probisyon ng Gender and Development Code.

Ito ay kinikilala bilang isang best practice hindi lamang sa rehiyon kundi maging sa buong bansa.

Bilang tampok ng aktibidad, ang Provincial Government of Quirino kasama ang DILG Quirino ay nagbigay ng mga certificate/plaques of recognition, tokens, at cash prizes sa mga nanalo sa patimpalak na Search for the Most Outstanding Men sa mga empleyado ng pamahalaang panlalawigan.

Ang kampeon sa nasabing patimpalak ay si G. Cardelito M. Andres mula sa Provincial Accounting Office. Ang second placer ay si G. Francis S. Ruiz ng PGO – Internal Audit Section, at ang third placer ay si G. Avelino A. Silao, Jr. ng Provincial Assessor’s Office.

Ang iba pang siyam na nominado mula sa iba’t ibang tanggapang panlalawigan ay nakatanggap din ng mga sertipiko ng pagpapahalaga at mga token.

Nagkaroon din ng ZumBEKIntest na siyang kinagiliwan ng mga lumahok at ilang parlor games na nilahukan ng mga lalaking empleyado mula sa iba’t ibang departamento ng PLGU.

Source: PIA- Quirino

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles