22.7 C
Baguio City
Saturday, January 18, 2025
spot_img

Apayao Provincial Green Guards, sumailalim sa Capability Training at Year-end Evaluation

Ang Pamahalaang Panlalawigan ng Apayao sa pamamagitan ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) ay nagsagawa ng capability training at year-end evaluation para sa mga green guard nito lamang Disyembre 16-18, 2024 sa Apayao Eco Tourism and Sports Complex (AETSC) Clubhouse, San Gregorio, Luna, Apayao.

Ang pagsasanay ay dinaluhan ng mahigit 110 na kalahok at naglalayong magbigay ng karagdagang kaalaman at kasanayan sa mga green guard upang mapaghandaan ang mga karagdagang tungkulin at hamon na maaaring dumating sa taong 2025.

Ibinahagi nina PENRO Foresters Louie Vellez, Joseph Buyag, at Angelica Dason sa aktibidad ang kanilang kaalaman sa iba’t ibang paksa tulad ng Revised Forestry Code of the Philippines, Chainsaw Act of 2022, at Wildlife Resources Conservation and Protection Act of 2001 upang muling sariwain ang kaalaman ng mga kalahok.

Nagtapos ang aktibidad sa pagpresenta ng mga accomplishments at mga plano para sa 2025, pagsagawa ng open forum at tree planting activity ng mga green guard sa ilang bahagi ng Payanan.

Ang aktibidad ay may layuning mapalawak ang kaalaman at mapahusay ang kakayahan ng mga Apayao Provincial Green Guards para sa mas epektibong pagtupad ng kanilang tungkulin.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles