14.3 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

Apayao, ipinagdiriwang ang ika-124 Anibersaryo ng Civil Service Commission

Pormal nang sinimulan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Apayao katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ang pagdiriwang ng ika-124 na Anibersaryo ng Philippine Civil Service sa pamamagitan ng iba’t ibang aktibidad na tampok ang mga paligsahang pampalakasan sa Bienvenido G Verzola Jr Memorial Sports Center, Luna, Apayao nito lamang ika-2 ng Setyembre 2024.

Sa pagbubukas ng programa, hinikayat ni Provincial Administrator Atty. Edmar Pascua ang mga kalahok na “maglaro nang may pagkakaisa at dignidad” habang binigyang-diin ang kahalagahan ng apat na birtud ng sportsmanship.

Ang mga empleyado ng gobyerno ay hinati sa iba’t ibang cluster at maglalaban sa iba’t ibang palaro sa loob ng isang buwan.

Pinangunahan ni Edralin Bongay, Project Development IV at Sports Coordinator, ang panunumpa ng amateurismo ng mga manlalaro mula sa pitong cluster.

Ang anibersaryong ito ng Civil Service ay may temang “Transforming Public Service in the Next Decade: Honing Agile and Future-Ready Servant-Heroes” na tumutukoy sa kakayahan ng mga kawani ng gobyerno na umangkop sa mga hamon ng bagong normal.

Binigyang-diin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Apayao na ang buwanang pagdiriwang na ito ay makakatulong sa pagpapaunlad ng samahan at sportsmanship ng mga empleyado.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles