14.5 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Apat na miyembro ng CFO sa Pangasinan, nagbalik-loob sa gobyerno

Binawi ang suporta ng apat na miyembro ng Communist Front Organization (CFO) mula sa Bayambang, Pangasinan sa Communist Terrorist Group (CTG) nitong ika-7 ng Hulyo 2022.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Jim F Helario, Officer-in-Charge ng Bayambang Municipal Police Station, ang mga nasabing personalidad na sina alyas Ka Elen, 67; alyas Ka Marie, 54; alyas Ka Bato, 41; at alyas Ka Violy, 58, pawang mga residente ng Brgy. Amancosiling Sur, Bayambang, Pangasinan.

Ayon kay PLtCol Helario, ang apat na boluntaryong nagbawi ng suporta sa CTG ay mga aktibong miyembro ng Nagkaisang Magsasaka at Mangingisda sa Mangabul (NAMNAMA) sa ilalim ng grupong Anak-Pawis.

Dagdag pa ni PLtCol Helario, ang pagbawi ng suporta sa CTG at pagbalik loob sa gobyerno ng mga nabanggit ay sinaksihan ng pinagsanib na tauhan ng Bayambang MPS, Regional Intelligence Unit 1, Pangasinan Provincial Intelligence Unit, 23rd Special Action Company-Special Action Force at 105th Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 1.

Ang apat na nagbalik-loob sa gobyerno ay pumirma ng kanilang Oath of Allegiance to the Government na sinaksihan ng mga operatiba ng PNP at ng Punong Barangay ng Amancosiling Sur, Bayambang, Pangasinan.

Patuloy namang magsusumikap ang mga kawani ng PNP upang mas marami pang mga miyembro ng CFOs ang sumuko ng sa gayon ay tuluyan ng magkaroon ng kapayapaan sa bansa.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles