23 C
Baguio City
Wednesday, November 27, 2024
spot_img

Anti-Smoking mahigpit na ipinapatupad sa Angeles City

Tuloy-tuloy ang mahigpit na ipinapatupad ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ang Anti-Smoking sa Barangay Pampang Pubic Market, Angeles City nito lamang Martes, ika-25 ng Hulyo 2023.
Ito ay sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Carmelo Lazatin Jr., Mayor ng Angeles City katuwang ang mga tauhan ng CENRO Angeles City.
Pinatawan ng multa ang mga pasaway na naninigarilyo sa nasabing pampublikong palengke na kung saan binigyan ang bawat lumabag ng citation tickets at magbayad ng multa sa City Treasurer’s Office.
Kaugnay ito sa City Ordinance 431 Chapter 10 o The Smoke-Free Environment in Public and Enclosed Places.
Paalala ng Lokal na Pamahalaan ng Angeles City na sumunod sa mga ipinatutupad na ordinansa sa kanilang syudad para sa ikabubuti ng bawat Angeleños.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles