Nagsagawa ng libreng anti-rabies vaccination ang Pamahalaang Lungsod ng Tarlac para sa mga residente ng Tarlac City nito lamang Biyernes, ika-17 ng Pebrero 2023.
Ang aktibidad ay hatid ng programang Angel Care Animal Bite Treatment Center sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Cristy Angeles, City Mayor.
Hinihikayat ng Pamahalaang Lungsod ang mga residente na ipabakuna rin ang mga alagang hayop at komunsulta sa pinakamalapit na Animal Bite Treatment Center kapag nakagat o nakalmot ng pusa o aso.
Sinisiguro ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac na maging ligtas ang mga mamamayan laban sa rabies na dulot ng kagat ng mga alagang hayop.