Patuloy na umaarangkada ang Anti-Criminality Checkpoint ng mga awtoridad ngayong Semana Santa sa Barangay Magsaysay Norte, Cabanatuan City, Nueva Ecija nito lamang Miyerkules, ika-5 ng Abril 2023.
Pinangunahan ng Cabanatuan City Police Station ang pagpapanatili ng kaayusan sa pamamagitan ng Anti-Criminality Checkpoint.
Ininspeksyon ang mga dumadaan na motorista at sasakyan upang madakip ang mayroong pananagutan sa batas at mapanatili ang kaayusan ngayong Semana Santa.