Mahigpit na ipinatupad ang Anti-Criminality Checkpoint ng mga awtoridad sa kahabaan ng Romulo Highway, Barangay Surgui 2nd, Camiling, Tarlac nito lamang Linggo, ika-4 ng Hunyo 2023.
Pinangunahan ng mga miyembro ng Camiling Municipal Police Station ang pagpapanatili ng kaayusan bandang 2:00 ng madaling araw kung saan ininspeksyon ang mga pagkakakilanlan ng mga motorista, official receipt, certificate of registration at trucking permit ng mga dumadaang motorista.
Layunin ng mga awtoridad na mapanatili ang kaayusan at seguridad ng mga residente ng kanilang nasasakupan.