Inumpisahan na ng DSWD Field Office 1 Inventory Team ang Annual Inventory ng Regional at Satellite Warehouses at unang pinuntahan ang anim na Satellite Warehouses sa Probinsya ng Pangasinan sa Infanta, Anda, Alaminos, Santa Barbara, Bautista, at Rosales nitong ika-23 ng Mayo 2024.
Inisa-isa ang mga nakaimbak na Food at Non-Food items at kapasidad ng warehouses upang masiguro ang kalidad ng mga stockpile sa nasabing satellite warehouses.
Pagkatapos mapuntahan ng DSWD Field Office 1 Inventory Team ang kabuuang 19 Regional at Satellite Warehouses ay ilalatag ang mga obserbasyon at rekomendasyon sa warehouse manager upang matiyak ang kalidad ng pagbibigay ng maagap at mapagkalingang serbisyo sa mga nangangailangan.