Matagumpay na naipamahagi ang 2,000 Family Food Packs (FFPs) sa mga naapektuhang pamilya mula sa mga bayan ng Quezon, Bagabag, Solano, at Bayombong sa Nueva Vizcaya. Kasabay nito, naipamahagi rin ang kaparehong bilang ng mga FFPs sa mga apektadong residente sa Santiago City, Isabela nitong ika-19 ng Nobyembre 2024.
Pinangunahan ng DSWD Field Office 2 sa pamamagitan ng SWAD Nueva Vizcaya at SWAD Isabela ang pamamahagi ng mga food packs, katuwang ang mga kawani ng lokal na pamahalaan, Provincial Local Government Unit, Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), at Philippine National Police (PNP).
Ang aktibidad ay bahagi ng malawakang relief operation ng ahensya upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga pamilyang naapektuhan ng bagyo lalo na sa mga lugar na nawalan ng kabuhayan at mga ari-arian upang makakabangon nang mas mabilis mula sa mga epekto ng nagdaang kalamidad.
Sa ganitong paraan, naipapakita ng gobyerno ang malasakit nito at ang kahalagahan ng mabilis na pagtugon sa panahon ng sakuna. Ito ay isang mabisang paraan upang matugunan ang agarang pangangailangan sa pagkain at mapagaan ang hirap ng mga biktima.
Bagamat hindi sapat ang food packs upang tuluyang maibalik ang normal na kalagayan ng mga tao, ito ay nagsisilbing unang tulong na magbibigay sa kanila ng lakas at pag-asa habang patuloy ang mga relief operations at rehabilitasyon sa mga naapektuhang lugar.
Source: DSWD REGION 2