Opisyal nang inilunsad ng Angeles City ang Angeleño Alerto! 24/7 Mobile App – Personal On-call Guard Interface (POGI), na ginanap sa Covered Court ng Barangay Pandan Angeles City, nito lamang Martes ika- 28 ng Enero 2025.
Pinangunahan ito ni Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin, Jr., kasama si First District Rep. Carmelo “Jon” Lazatin. Dumalo rin sa paglulunsad sina DILG-Angeles City Director Yvette Cosio, 33 barangay captain mga kagawad, mga department heads at Chiefs-of-Offices.
Ito ang kauna-unahang mobile app sa Pampanga at maging sa rehiyon na layong mapabilis ang pagresponde sa mga emergency.
Isa sa mga tampok ng paglulunsad ay ang ginawang simulation na nagpakita ng proseso at sistema ng emergency response gamit ang nasabing app.
Ang app ay may kakayahang magbahagi ng lokasyon upang matukoy ng mga responder ang eksaktong pinangyarihan ng insidente, kahit hindi makapagsalita ang user.
Ang inisyatibong ito ay nagpapakita ng dedikasyon ng lungsod sa disaster preparedness at public safety sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya.