15.9 C
Baguio City
Sunday, November 17, 2024
spot_img

Angel Cut Operation Tuli, isinagawa sa Tarlac City

Nagsagawa ng libreng tuli sa mga batang lalaki na tinatawag na Angel Cut Operation Tuli na idinaos sa Kaisa Convention Hall, Tarlac City nito lamang ika-20 ng Hunyo 2024.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng City Health Office sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles, na parte ng 22-in-1 Angel Care Program.

May kabuuang 360 na batang lalaki ang nakapagpatuli ng libre sa pangangasiwa ng City Health Office.

Bukod sa tuli, namahagi din ang pamahalaan ng libreng gamot tulad ng antibiotics at paracetamol mula sa Angel Pharmacy na good for 7 days upang mapabilis ang paggaling.

Ang pagpapatuli ng bata ay mahalaga sa kalusugan ng isang lalaki upang makaiwas sa mas mataas na tiyansa ng magkakanser at HIV.

Patuloy ang Pamahalaan ng Tarlac na makapagbigay ng libreng serbisyo sa mga mamamayan upang matugunan ang pangangailangan lalo na sa pangkalusugan para sa hinahangad na mayabong at maunlad na Bagong Pilipinas

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles