naghatid ng serbisyo ang Angel Care Program ng Lokal na Pamahalaan ng Tarlac City sa mga residente ng Barangay Sapang Maragul, Tarlac City nito lamang Martes, ika-4 ng Marso 2025.
Ang naturang programa ay pinamunuan ni Honorable Cristy Angeles, Mayor ng Tarlac City.

Naghatid ng serbisyo gaya ng job fair, libreng konsultasyon sa pangkalusugan, libreng salamin at libreng gamot.
Lubos na ikinagalak ng mga residente sa tulong na ibinigay mula sa Tarlac City Government.
Sinisiguro ni Mayor Angeles na patuloy na maghahatid ng malasakit at tulong sa kanyang mga nasasakupan.
