14.4 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Ang Recognition Rites ng PMA “SIKLAB-LAYA” Class of 2025

Isinagawa ng Philippine Military Academy (PMA) ang Recognition Rites para sa “SIKLAB-LAYA” (Sundalong Ibinigkis ng Katungkulan na Lakas ng Amang Bansang Malaya) Class of 2025 sa Fort Gregorio H. Del Pilar, Baguio City nito lamang Sabado, Abril 30, 2022.

Pinangunahan ni Superintendent Lieutenant General Ferdinand M Cartujano PAF ang aktibidad kung saan dumalo si Honorable Alexander Gesmundo, Chief Justice of the Philippines bilang panauhing pandangal at tagapagsalita.

Ang SIKLAB-LAYA Class of 2025 ay binubuo ng 356 fourth-class cadets kung saan 285 ang lalaki at 71 naman ang mga babae.

Ang kanilang Recognition Rites ay simbolo ng pagsisimula ng kanilang pagtanggap sa Cadet Corps Armed Forces of the Philippines (CCAFP) at ang pagbibigay sa kanila ng mas malaking tungkulin at responsibilidad bilang military officers.

Tanda rin ito ng kanilang katapangan at determinasyon bilang magiging miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Isa sa tampok ng aktibidad ay ang Recognition Ceremony kung saan kabilang na dito ang octagon formation ng fourth-class cadets at ang handshake of recognition ng upper-class cadets na sinaksihan ng mga kamag-anak ng mga kadete.

Ang Recognition Rites ay isang mahalagang sandali sa buhay ng mga plebo na ginagawa sa isang simpleng pakikipagkamay at ang plebo ay binabanggit ang ranggo at apelyido ng kanyang mga upperclassmen.

Isang simbolo kung paano ang agwat sa pagitan ng upperclassmen at plebes ay naitawid matapos silang kilalanin bilang opisyal ng miyembro ng Corps of Cadets.

Source:

https://www.facebook.com/950696121613864/posts/6211390622211028/

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles