Ang Payuhuan Festival ay taunang pagdiriwang ng Batanes Founding Anniversary na ginaganap tuwing ika-26 ng Hunyo.
Ito ay isang Provincial Agro-Trade Fair na nagpapakita ng maipagmamalaking iba’t ibang natatanging produkto ng probinsya.
Ang mga produktong ipinapakita sa Trade Fair ay hinubog mula sa luma at makulay na kultura at tradisyon na sumisimbolo sa katatagan ng mga Ivatan at ng naturang lalawigan.
Makikita din dito ang kahalagahan ng pag-iinvest sa agriculture at fishery businesses kasama ang turismo para sa muling pagbangon ng ekonomiya ng probinsya sa gitna ng suliranin na dulot ng pandemya.
Ang “payuhuan” ay nangangahulugang “cooperation” o bayanihan na nagsasalamin sa pakikiisa at pagtutulungan ng mga residente ng lalawigan sa naturang pagtitipon.