18.5 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

Ang Ma-Cho Temple sa La Union

Ang Ma-Cho Temple ang pinakaunang Taoist Temple sa Pilipinas. Ito ay matatagpuan sa isang burol sa City of San Fernando, La Union na abot tanaw ang South China Sea.

Ito ay isang perpektong lokasyon na tinawag bilang “Goddess of the Sea” at “Queen of Heaven.

Ito ay itinayo ng Ministro ng Turismo na si Jose D. Aspiras, sa pakikipagtulungan ng pamayanang Tsino sa Pilipinas sa mahigit isang ektarya ng lote.

Ito ay may pitong palapag ang taas at may taas na 70 talampakan sa ibabaw ng dagat.

Isa sa atraksyon ng templo ay ang Majestic Five Door Gate, na pambihira lng makita sa templo ng mga Tsino na may tatlong arko lamang.

Sa kahabaan ng entrance wall ay may mga malalaking batong estatwa ng 18 Chinese Saints na may iba’t ibang tindig.

Mayroon din itong 2 pabilog na pond na napapalamutian ng mga water lilies at Koi Fish.

Sa tabi ng gitnang lawa ay may maliit na istraktura kung saan maaaring magsunog ng insenso at mag-iwan ng mga alay para sa mga Diyos.

Isa rin sa dinarayo ay ang mga estatwa ng mga hayop na pinaniniwalaan ng mga Tsino bilang mga anting-anting at nakakapagbigay ng suwerte.

Bukod dito, makikita din dto ang sagisag ng gintong dragon, Bell Tower, Drum Bamboo Garden, at Liang Thing Pagoda Tower.

Ang mga interior ng Ma-Cho Temple ay puno ng mga sinaunang burloloy ng Tsino at mayroong isang mala-gagamba at pabilog na kisame.

Ang imahe ni Ma-Cho ay pinalamutian ng tradisyunal na Chinese head dress at makulay na damit.

Ang kanyang oriental na mga mata habang ang kanyang mga kamay ay magkadikit sa kanyang dibdib na kamukha ng Our Lady of Caysasa na naka-enshrined sa Basilica of Saint Martin sa Taal, Batangas.

Ang tourist destination na ito ay hindi lamang para sa mga Taoist devotee, meron ding mga Katoliko na bumibisita sa templong ito.

Source: https://www.launiontayo.com.ph/banner/ma-cho-temple/

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles