Mabilis na nakikilala ang Bamboo Eco Park sa lungsod ng Baguio na kadalasang inilalarawan at inihahalintulad sa “Little Kyoto” ng Japan na matatagpuan sa St. Francis Xavier Seminary sa Liteng, Pacdal.
Isa ang Bamboo Eco Park sa kadalasang pinupuntahan at dinarayo ng mga turista sa lungsod ng Baguio kung saan makikita dito ang iba’t ibang uri o species ng bamboos na itinanim sa linya ng mga daanan dito.
Walang entrance fee na sinisingil sa nasabing parke kundi donasyon lamang mula sa puso. Bukod pa rito ay may bilihan din dito ng snacks, malinis na palikuran at bamboo benches kung saan pwedeng magpahinga na matatagpuan sa exit.
Para sa mga nagbabalak pumunta sa Eco Park na may sariling sasakyan ay maaaring gumamit ng google maps at sa mga may balak naman mag-commute ay maaaring sumakay ng jeep na papunta sa Liteng, Pacdal.
Samantala, patuloy naman na ipinapatupad ng management ang health and safety protocols at pinapaalalahanan ang mga bisita na magsuot ng kanilang mga facemask, ipasuri ang kanilang temperatura at maghugas ng kamay sa wash area bago maglog-in at pumasok sa parke.