21.8 C
Baguio City
Wednesday, January 22, 2025
spot_img

Ang Kasaysayan ng Pamosong Calle Crisologo sa Vigan City, Ilocos Sur

Maraming mga lugar dito sa ating bansa na naging saksi sa mga maraming makasaysayang pangyayari na hanggang ngayon ay nanatiling nakatayo sa kabila ng mga pagsubok ng panahon. Isa na dito ang dinarayong Calle Crisologo na matatagpuan sa Vigan City, Ilocos Sur.

Ang Calle Crisologo ay isang kalye na kung saan matatagpuan ang mga infrastrakturang Espanyol na ang karamihan ay mga bahay ng mga mayayamang pamilya at mga Filipino-Chinese Traders. Makikita rin dito ang sikat na Cobblestone Street na kumakatawan sa imahe ng Vigan City.

Lingid sa kaalaman ng marami, una itong tinawag na Calle Escolta de Vigan nang ito ay madiskubre ni Juan de Salcedo noong 1572. Nagsilbi itong sentro ng kalakalan sa buong Hilagang Luzon at naitatag bago pa man ng Galleon Trade.

Tinawag din itong Kasanglayan o Lugar ng mga Tsino na siyang sentro ng negosyo ng mga dayuhang mangangalakal kabilang ang mga Chinese, Spanish, Mexican, Japanese at mga ibang mga negosyanteng galing ng Europa.

Noong huling bahagi ng 1890s na siyang panahon ng pananakop ng mga Amerikano, pinalitan ang pangalan nito ng Washington Street. Noong ika-1 ng Setyembre 1901, nagtatag ang mga Amerikano sa Ilocos Sur ng isang pamahalaang sibil na kung saan iniluklok nila si Don Mena Crisologo bilang unang gobernador ng lalawigan.

Si Don Crisologo ay kilala at ginagalang sa lalawigan bilang isang manunulat at politiko. Namatay siya sa gulang na 82 noong ika-5 ng Hunyo 1975. Kasunod ng pagkamatay ni Don Crisologo ay pinangalanan ito ng Mena Crisologo Street bilang parangal sa yumaong gobernador.

Sa paglipas ng panahon ay nakilala ang Kalye Mena Crisologo o ngayon ay tinatawag na Calle Crisologo. Nagsisilbi itong pangunahing atraksyon sa Vigan City magpahanggang ngayon.

Source: Vigan Tourism

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles