Ang Callao Cave ay isa sa 300 limestone cave na matatagpuan sa mga Barangay ng Magdalo at Quibal Peñablanca, Cagayan sa Sierra Madre Mountain Range. Nagtatampok ang sistema ng kweba ang malalaking pitong silid na unang nahukay ni Maharlika Cuevas noong 1980, na naging pinakakilalang natural na atraksyong panturista sa lalawigan ng Cagayan. Noong Pebrero 2020 ay opisyal nang kinilala bilang isa sa mga Important Cultural Property ng Pilipinas.
Mahalagang bahagi ng pre-historic ng bansa ang kweba na ito, dahil dito natuklasan at naidokumento noong 2007 ang isang metatarsal ng tao na umabot sa humigit-kumulang 67,000 taon.
Ang Callao Cave ay ang pangunahing atraksyon sa Peñablanca Protected Landscape at Seascape. Ito ang pinakamadaling puntahan sa lahat ng mga kweba. Ang pasukan nito ay umaabot sa pamamagitan ng pag-akyat sa 184 concrete steps at kapag nasa kalagitnaan ay mararamdaman ang malamig na hangin mula sa mapunong lugar ng Sierra Madre.
Ang pitong silid nito ay may bawat isang natural na siwang sa itaas na nagbibigay- daan sa mga daloy ng liwanag sa madilim na bahagi ng kweba.
Ang unang silid nito ang pinakamalawak at mala- cathedral na siyang ginawang kapilya ng mga residente ng pook. Isang rock formation ang nagsisilbing altar ng kapilya na nasisinagan ng liwanag na nagmumula sa itaas ng kweba. Tuwing mahal na araw ay nagsasagawa rito ng misa. Ilang mga residente at mga taga-ibang lugar ang nagdaraos din ng kasal dito.
Maraming nakakamanghang speleothem o pormasyon ang matatagpuan sa loob ng kweba tulad ng mga flowstone, kumikinang na mga dripstones, cave curtains, mga krystal na helictite, mga umiilaw na haligi at marami pang iba.
Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang Callao Cave ay kabilang sa Class II Cave. Â Inilalarawan nito ang mga kweba na may mga mapanganib na kondisyon at naglalaman ng mga sensitibong geological, archaeological, kultural, historical at biological na mga halaga o mataas na kalidad na ecosystem.
Source: https://en.wikipedia.org/wiki/Callao_Cave
Sa panunulat ni Yhin Yhin