Ang mga karanasang maaari mong subukan sa Cagayan Valley ay ang Diamond Cave.
Ang kuweba ay matatagpuan sa Sitio Gibien, Barangay Landingan sa munisipalidad ng Nagtipunan, Quirino.
Ang kuweba na ito ay puno ng “makikinang” na mga pormasyon ng kweba at higit sa lahat, ito ay maayos na napreserba.
Ang Diamond Cave ay kilala sa mga kahanga-hangang rock formation at hiking trail.
Tulad ng karamihan sa mga istruktura ng kuweba, ang Diamond Cave ay may maraming stalactite at stalagmite na mga bato na nabuo ng mga deposito ng minerals at mga patak ng tubig.
Pinangalanan na Diamond Cave ang kweba dahil mayroong isang lugar sa loob nito kung saan kumikinang ang mga bato sa ilalim ng liwanag, na parang mga diamante ngunit ang talagang nagpapakinang sa mga batong ito ay ang hamog ng tubig sa mga dingding at kisame.
Ang isa pang dahilan sa likod ng pangalan nito ay ang isang larawang mapa ng Diamond Cave ay kahawig sa hugis ng isang brilyante.
Meron ding ilang trekking na kasama habang tinatahak ang daan mula sa pangunahing kalsada patungo sa Diamond Cave.
Sa susunod na 300 metro o higit pa, ang mga mamamasyal ay dadaan sa mga madamong daanan, isang sapa, isang maliit na gawa ng tao na talon, isang mini pool, at isang batong hagdanan patungo sa kuweba.
Sa kabuuan, maaaring malibot ito nang hindi hihigit sa 10 minuto.
Mayroon itong traverse spelunking na paglabas mo ay nasa ibang lokasyon ka na.
Nagsimula ito sa isang dry ground heading sa semi-wet ground at pader.
Napakadilim talaga sa loob ngunit sa lahat ng mga kweba sa lalawigan ng Quirino, ito ang may pinakamahusay na rock formation sa loob nito.