20.2 C
Baguio City
Tuesday, November 5, 2024
spot_img

Ang Bulkang Cagua sa Lambak ng Cagayan

Alam niyo ba na ang ang bulkang Cagua ay isa sa 24 na mga aktibong bulkan sa Pilipinas? Ito ay matatagpuan sa lalawigan ng Cagayan sa Rehiyon ng Lambak ng Cagayan ng hilagang Luzon sa hilagang bahagi ng bulubunduking Sierra Madre. Ang bundok na ito ay humigit-kumulang nasa 12 kilometrong layo mula Gonzaga, Cagayan kung saan binansagan ding “Fire Mountain”.

Ang bulkang Cagua ay isa lamang sa limang aktibong bulkan sa Cagayan, sa kasaysayan nito naitala ang unang aktibidad nito sa bahagi ng Pleistocene ay nagpasabog ng basaltikong andesita o effusive basalt. Ang bulkan ay natatakpan ng napakalaking daloy ng lava 600,000 hanggang 300,000 taon na ang nakalilipas. Nagkaroon ito ng aktibidad mula saphreatic na pagsabog hanggang sa daloy ng abo. Ang bulkan ay napapatong ng isang bungangang may 1.5 kilometro (1 mi) na lawak na minamarkahan ng matalim at matarik na pader.

Ang Bulkang Cagua ay isa sa mga bulkang nabuo dahil sa pagputok ng mga bulkan sa ilalim ng karagatang nakapaligid sa Pilipinas. Ang bulkang ito ay kabilang sa East Volcanic Chain ng Luzon Volcanic Belt. Kabilang din sa grupong ito ang ilang mga aktibong bulkan sa Batanes at Babuyan kagaya na lamang ng Iraya, Babuyan Claro, Smith, Camiguin de Babuyanes, at Didicas.

Mayroon itong anim na mga mainit na bukal at nagagandahang mga talon, una ang Maasok malapit sa bunganga , Marafil, Manaring, San Jose, Kabinlangan, at Paminta.

Naitala ang dalawang pagsabog sa kasaysayan sa bulkan. Ang aktibidad noong 1860 ay isang phreatic na pagsabog ngunit posibleng sinundan ito ng isang pyroclastic flow. Ang panibagong pagsabog ay nangyari naman noong 1907.

Ang bulkang Cagua ay isang stratovolcano, kung saan ang pagkakabuo nito ay dahil sa salitang pagkaka-deposito ng mga abo at lava. Sa kasalukuyan, may taas itong 1,133 metro. Huli itong sumabog noong 1860, at ayon sa mga nakasaksi, isang phreatomagmatic na pagsabog ang naganap, kung saan nakitaan ito ng steam o usok at paglabas ng lava sa bunganga ng bulkan. Ayon sa mga naka-akyat na sa bulkang ito, maraming mga solfataric vent o lagusan ng hanging puno ng asupre ang makikita sa bandang itaas ng bulkan. kabilang din sa mga tinaguriang “stratvolcanoes” ay ang Mt. Pinatubo, Mt.Mayon maging ang Mt. Fuji na matatagpuan naman sa Japan.

Marami na ang namangha at nakasaksi sa ganda ng naturang bulkan lalo na ang mga turistang grupo ng mga mountaineers. Kinakailangan lamang na makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan para sa mga detalye bago akyatin at tuklasin ang natatanging ganda ng bulkan ng Cagayan.

Sa panulat ni Empoy Kabrador

https://en.m.wikipedia.org › wiki
Cagua Volcano – Wikipedia

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles