Nagsagawa ang Aloha Medical Mission Team sa lungsod ng Tuguegarao ng libreng serbisyong medikal sa Tuguegarao City People’s General Hospital nito lamang ika-10 ng Pebrero 2025.
Pinangunahan ito ng mga doktor mula sa U.S.A., katuwang ang Cagayan Valley Association of Hawaii, Inc. (CVAH) at mga medical professionals ng Tuguegarao City, Cagayan.


Isinagawa ng grupo ang libreng major at minor surgical procedures para sa mga pasyenteng walang kakayahang magpagamot. Kasama rin sa kanilang misyon ang free medical consultations, OB-GYNE services, at dental procedures. Magpapatuloy ang libreng medical mission ngayong Biyernes, bilang bahagi ng patuloy na pagtulong sa mga nangangailangan sa Tuguegarao City.
Ang pagbibigay ng libreng serbisyong medikal, kabilang ang konsultasyon, OB-GYNE services, at dental procedures, ay malaking tulong sa maraming pamilya sa lungsod. Ang patuloy na pagsasagawa ng ganitong mga programa ay patunay na ang pagtutulungan ng lokal at internasyonal na mga grupo ay may malaking epekto sa kominidad.
Source: Tuguegarao City Information Office