Nagsagawa ang Alaminos City Solid Waste Management Board ng validation para sa “Search for the Best Partner School and Commercial Establishment” sa pagpapatupad ng Solid Waste Management na ginanap ngayong araw Enero, 31, 2025.
Sa pangunguna ni Mayor Arth Bryan C. Celeste, masusing sinuri ng Solid Waste Management Board ang limang piling paaralan mula sa elementarya at sekondarya, pati na rin ang ilang establisyemento sa lungsod.
Kabilang sa mga isinuri ay ang tamang segregation ng basura, maayos na disposal systems, at mga proyektong nagpapalaganap ng kamalayan at malasakit sa kalikasan.
Layunin ng programang ito na kilalanin ang mga paaralan at establisyementong may pinakamahuhusay na inisyatiba sa tamang pangangasiwa ng basura upang mapantili ang kalinisan at kaayusan ng lungsod.
Source: LGU-Alaminos City, Pangasinan