Isinagawa ng lokal na pamahalaan ng Alaminos City ang Alaminos Bamboo Congress na may hangaring isulong ang sustainable bamboo industry para makamit ang mas luntiang kalikasan, maging kabalikat sa kabuhayan ng buong pamilya at sa tuloy-tuloy na kaunlaran para sa komunidad, na ginanap nitong ika-25 ng Oktubre 2023.
Ang aktibidad ay inorganisa ng City Agriculture Office sa pangunguna ni CAgO Arceli B. Talania at personal na dumalo sa aktibidad at nagbigay inspirasyon si City Mayor Arth Bryan C. Celeste sa mga key bamboo stakeholders at farmer-entrepreneurs sa uno distrito.
Pinuri at pinasalamatan ni Mayor Arth Bryan ang dedikasyon ng bawat isa at hinikayat ang lahat na ipagpatuloy ang pagtatanim at pangangalaga ng kawayan upang mapunan ang kakulangan ng bamboo pole requirement ng ating Hundred Islands E-Kawayan Factory at makatulong din na labanan ang climate change.
Ipinaabot din niya ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa matatag na suporta ni Philippine Bamboo Foundation Inc. President Edgardo C. Manda maging ang mga partner-national government agencies tulad ng DOST, DTI at DENR.
Buong sigasig na ibinahagi ni President Manda ang kanyang karanasan sa pagsusulong sa bamboo industry sa buong bansa at mahahalagang kaalaman sa mga benepisyo ng pagkakawayan gaya job generation, climate change mitigation, at commercial utilization nito, na napakalaki din ang potensyal para sa tourism industry ng lungsod at buong western Pangasinan.
Source: Alaminos City, Pangasinan