Sumailalim sa Social Media Management & Basic Technical Writing Training ang mga kasapi ng Barangay Information Officers (BIO) noong ika-5 ng Disyembre 2023.
Ang nasabing training ay pinangunahan ng City Information Office sa pamumuno ni CGADH/OIC City Information Officer Venus N. Balgua.
Naglalayon itong mahasa pa lalo ang mga BIO upang maging epektibong Technical Writers at mas mapaghusay ang kanilang pamamahala sa kanilang social media pages.
Naging posible naman ang training sa tulong ng mga bihasang Resource Speakers na sina Campus Executive Secretary Dr. Levi Jethro N. Balgua at Coordinator, Public Relations, Publications, and Information Office Ms. Ana Marie J. De Guzman ng PSU – Alaminos City Campus.
Personal namang ipinaabot ng Alkalde ang kanyang suporta sa programa na naglalayong mapaganda pa ang imahe at serbisyo publiko sa Lungsod ng Alaminos.
Source: LGU Alaminos
Panulat ni Manlalakbay