Isa-isang pinakinggan ang alalahanin ng mga solo parents sa Dagupan City sa open forum na naganap kasabay ng orientation on Expanded Solo Parent’s Welfare Act sa Dagupan City Plaza nito lamang September 27, 2022.
Pinangunahan ni Mayor Belen Fernandez, ang aktibidad na kung saan inalam niya ang mga alalahanin ng mga single mother, foster parents, guardians, at mga magulang na mag-isang itinataguyod ang pamilya upang malaman kung paano sila matutulungan ng siyudad.
Ayon kay Mayor Fernandez, karamihan sa mga idinulog na problema ng mga solo parents ay tungkol sa livelihood, gamot, repair sa sirang bahay, pag-aaral ng mga anak.
Sumailalim din ang mga solo parents sa orientation tungkol sa mas pinalawig na solo parent’s Welfare Act of 2000 na magbibigay pribilehiyo sa mga solo parents at kanilang pamilya.
Ito ay sa pangangasiwa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng (CSWDO) City Social Welfare and Development Office.
Kasabay din sa aktibidad ngayong linggo ang selebrasyon ng 30th National Filipino Family Week na may temang “Urbanisasyon at Pamilyang Pilipino: Magkaagapay sa pagpapatibay at pagpapaunlad ng bansa.”