Naghandog ng “Alagang Nanay Preventive Health Care Program” ang pamahalaan ng Pampanga sa Guiao Convention Center sa San Fernando, Pampanga nito lamang Miyerkules, ika-22 ng Mayo 2024.
Ang naturang programa ay pinamunuan ni Hon. Dennis Pineda, Governor ng San Fernando, Pampanga.
Ang mga benepisyaryo ay nakatanggap ng libreng check-up, gamot, Php3,000 at food packs na labis namang ikinatuwa ng mga benepisyaryo.
Ayon kay Gov. Pineda, “Hindi lamang ang pangangalaga sa kalusugan ng mga psych patients ang ikinokonsidera kundi pati na rin ang pagbibigay ng pag-asa at pagmamahal sa kanilang mga pamilya.”
Panulat ni Janice Bulahao