Naghandog ng “Alagang Nanay Preventive Health Care Program ang Pamahalaan ng Pampanga para sa mga Kabalen sa Lubao Gymnasium, Barangay San Nicolas San Fernando, Pampanga nito lamang Biyernes, ika-8 ng Nobyembre 2024.
Ang naturang programa ay pinamunuan ni Hon. Dennis Pineda, Gobernador ng San Fernando, Pampanga, kasama si Vice Gobernador Lilia “Nanay” Pineda at ang mga Nanay Community Workers (NCW).
Nakatanggap ang 1,078 na Kabalen ng libreng check-up, reading glasses, gamot, food packs, at pamasahe mula sa Kapitolyo, na labis namang ikinatuwa ng mga benepisyaryo.
Ang pagpapatupad ng mga ganitong programa ay nagpapakita ng pagmamalasakit sa ating mamamayan at nagtataguyod ng mas progresibong lipunan.
Patuloy ang paghahatid ng serbisyo at pakikibahagi sa iba’t ibang programa ng ating pamahalaan, lalo na sa sektor ng kalusugan, upang mabigyan ng suporta ang mga mamamayan at mapalakas ang kanilang pag-asa na mamuhay ng malusog at malakas.