19.4 C
Baguio City
Tuesday, June 3, 2025
spot_img

Alagang Nanay, muling umarangkada sa Pampanga

Muling umarangkada ang Alagang nanay Preventive Health Care Program para sa mga residente ng bayan ng Lubao, Pampanga nito lamang Biyernes, ika-30 ng Mayo 2025.

Matagumpay na naisakatuparan ang nasabing medical mission sa pangunguna ni Hon. Lilia “Nanay” Pineda, Vice Governor ng Pampanga katuwang si Mayor Esmie Pineda.

Ang aktibidad ay nagsagawa ng Medical Check-up, Laboratory Assessments, Libreng Gamot, Reading Glasses, Insulin para sa mga diabetic patients, at konsultasyon sa pamamagitan ng Konsulta Caravan sa tulong ng PhilHealth Desk.

Nasa lugar din ang mga volunteer doctors at nurses mula sa Provincial Health Office upang masiguro ang maayos na pagtugon sa pangangailangang medikal ng bawat isa.

Kabuuang 1,021 pasyente mula sa Brgy. Prado Siongco (224), Brgy. Baruya (211), Brgy. San Roque Arbol (286), at Brgy. Sto. Niño (300) ang naserbisyuhan sa ilalim ng programang ito.

Bukod dito, namahagi rin ng food packs at pamasahe para sa lahat ng dumalong pasyente.

Patuloy ang pagsisikap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga na maghatid ng libre at de-kalidad na serbisyong medikal sa mga mamamayan upang maagapan ang malulubhang karamdaman sa pamamagitan ng regular na check-up at maagang gamutan.

Ang Alagang Nanay ay simbolo ng tunay na malasakit at pagkalinga sa bawat Kapampangan tungo sa mas malusog at mas maunlad na pamayanan.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles