20.1 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Alagaing biik sinimulan ng ipamahagi ng DA sa Gitnang Luzon

Nagsimula ng mamahagi ang Department of Agriculture-Central Luzon ng mga alagaing biik sa mga residente na labis na naapektuhan ng African Swine Fever (ASF) sa gitnang Luzon nito lamang ika-28 ng Hulyo 2022.

Ang programa ay sa ilalim ng Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion (INSPIRE) ng DA’s National Livestock Program.

Ayon kay Dr. Eduardo L. Lapuz Jr. DA-3 Regional Technical Director of Operations and Extension, layunin ng porgrama na matulungan ang mga nag-aalaga ng biik na maibangong muli ang kanilang pangkabuhayan na labis na naapektuhan ng ASF.

45 miyembro ng Kaisa Women’s Organization sa Tarlac ang nakatanggap ng 135 na biik at 405 na sako ng feeds.

Bawat benipisyaryo ay nakakatanggap ng tatlong biik at sampung sakong feeds na kanilang ipapakain.

Samantala, iniulat din ni Dr. Lapuza na 52 hog raisers din sa Iba, Zambales ang nakatanggap ng 156 na biik at 480 sako na feeds.

Pinaalalahanan ang mga hog raisers na sundin pa rin ang mga alituntunin ng biosecurity.

Source: Department of Agriculture Central Luzon

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles