Ibinahagi ang Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development sa 4,000 na Bantay Bayan mula sa ika-apat na distrito ng Pampanga na ginanap sa Bren Z. Guiao Convention Center, nito lamang Martes, ika-5 ng Nobyembre 2024.
Pinangunahan ito ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga na pinamumunuan nina Governor Dennis “Delta” Pineda at Vice Governor Lilia “Nanay” Pineda.
Sa ilalim ng “Ayuda sa Kapos ang Kita Program” (AKAP) ng DSWD, bawat benepisyaryo ay tumanggap ng tig-P3,000.00 mula sa ahensya.
Bukod sa pinansyal na ayuda, namahagi rin ng food packs at pamasahe ang Kapitolyo bilang dagdag na tulong sa mga benepisyaryo.
Para masigurong maayos ang kalusugan ng mga nagsisilbing kaagapay ng Kapitolyo, nagkaroon din ng libreng konsultasyon at gamot para sa mga bantay bayan sa pamamagitan ng “Alagang Nanay Preventive Healthcare Program” Medical Mission.
Ang programang ito ay naglalayong magbigay ng karampatang tulong pinansyal, kalusugan at masiguro ang kapakanan ng mga bantay bayan sa kabila ng kanilang patuloy na paglilingkod sa komunidad.