14 C
Baguio City
Monday, January 20, 2025
spot_img

AKAP ng DSWD, hatid para sa mga Bantay Bayan ng Pampanga

Nakatanggap ang bawat Bantay Bayan ng ikatlong distrito ng Pampanga ng tulong pinansyal mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) nito lamang Sabado, ika-26 ng Oktubre 2024. Ang programang hatid ay pinangunahan ni Mr. Rex Gatchalian, Secretary ng DSWD, katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga sa pangunguna ni Hon. Dennis “Delta” Pineda, Governor at si Hon. Lilia “Nanay” Pineda, Vice Governor.

Nasa 2,820 na Bantay Bayan mula sa naturang lugar ang nakatanggap ng ₱3,000 cash mula sa “Ayuda para sa Kapos ang Kita Program” o AKAP ng DSWD, at nakatanggap din ng food packs, maintenance medicines, at toothbrush mula sa Kapitolyo.

Personal na pinasalamatan ng mahal na Gobernador ang mga bantay bayan sa kanilang malasakit at hinimok ang pakikipagtulungan sa mga awtoridad upang mabantayan at mapigilan ang pagpasok ng mga illegal na POGO at droga sa lalawigan.

Binigyang-diin din ni Police Brigadier General Redrico Maranan, Regional Director ng Police Regional Office 3, ang mahalagang papel ng mga Bantay Bayan sa pagpapanatili ng kapayapaan sa komunidad.

Ang programang hatid ay malaking tulong sa mga benepisyaryo upang higit na magampanan ang kanilang tungkulin sa komunidad.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles