22.6 C
Baguio City
Monday, January 20, 2025
spot_img

AICS ng DSWD, umarangkada sa Pampanga

Umarangkada ang Assistance in Crisis Situation Program (AICS) ng Department of Social Welfare and Development sa mahigit 1,000 Kapampangan na may polio sa bayan ng Pampanga nito lamang ika-18 ng Oktubre 2024.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan nina Venus Rebulda, DSWD Field Office 3 Regional Director, Fe Manarang, Acting PSWDO, Dr. Zenon Ponce Executive Assistant IV kasama si Gobernador Dennis “Delta” Pineda at iba pang kawani mula sa Provincial Health Office (PHO), Alagang Nanay Program, at General Service Office (GSO) ang pamamahagi ng tulong para sa mga benepisyaryo.

Nakatanggap ng tig-Php3,000 na cash assistance at karagdagang vitamins, maintenance medicines, food packs at pamasahe ang mga benipisyaryo. Hindi napigilang maiyak sa tuwa ng 53-years old na PWD na si Adrian.

“Nakikita ko ang pagtulong niya sa amin, halos lahat kaming may disability hindi niya nakakalimutang bigyan ng tulong.” Layunin ng naturang aktibidad na suportahan ang mga indibidwal na may kapansanan, tulad ng polio survivors, sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

Ito ay naglalayong magbigay ng pinansyal na tulong at mga pangunahing pangangailangan tulad ng bitamina, gamot, at pagkain upang mapabuti ang kanilang kalusugan at kalagayan.

Layunin din ng program na itaguyod ang pantay-pantay na pagkalinga sa mga sektor na may kapansanan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles