Nagpatawag ang National Tobacco Administration ng Farmers Pre-Tripartite Consultative Conference 2023 sa Provincial Farmers Livelihood Development Center na ginanap noong September 14-15, 2023 sa Vigan City, Ilocos Sur.
Ang mithiin ng Consultative Conference ay upang suriin ng mabuti ang halaga ng produksyon ng mga Unprocessed na dahon ng tabako katulad ng Virginia, Burley at ang Native Variety.
Pinagsama-sama ng kumperensya ang mga magsasaka ng tabako at mga pinuno ng National Federation of Tobacco Farmers Associations and Cooperatives (NAFTAC) mula sa mga Probinsiya ng Isabela, Cagayan, Abra, Ilocos Norte at Ilocos Sur.
Dinaluhan ito ni Ilocos Sur Governor Jerry Singson sa pamamagitan ni Provincial Administrator Marlon Tagorda, Sangguniang Panlalawigan Member Efren Rafanan, NAFTAC National President Belinda Sanchez at DA NTA-Oversight Official Undersecretary Deogracias Victor “DV” Savellano.
Source: Provincial Government of Ilocos Sur
Panulat ni: Malayang Kaisipan