14.5 C
Baguio City
Thursday, November 28, 2024
spot_img

Agri-Trade Fair 2023 isinagawa sa Bontoc, Mt. Province

Nagsagawa ng Agri-Trade Fair 2023 ang Local Government Unit ng Bontoc sa Akfab Street, Bontoc Municipal Capitol, Bontoc, Mt. Province na nagsimula noong Setyembre 11 at magtatapos hanggang Setyembre 16, 2023.

Ang aktibidad ay alinsunod sa pagdiriwang ng 115th Bontoc Foundation Day at 19th Am-among Festival na naglalayong ibida at ipakilala ang mga iba’t ibang produkto ng buong munisipalidad.

Pinangunahan ang aktibidad ni Bontoc Mayor Jerome “Chagsen” Tudlong Jr., na nilahukan ng mga local farmers, artisan or crafters, local processors and producers, Micro Small and Medium Enterprises na mula sa 16 na barangay ng capital town.

Inilatag sa Trade Fair ang mga iba’t ibang produktong gawa sa buong munisipalidad gaya ng processed food and beverage, medicinal herbs, craft, weaved garments, apparel and accessories.

Gayundin ang mga produkto ng mga magsasaka na mga prutas, gulay at mga pananim sa kani-kanilang booth.

Dumalo rin sa nasabing aktibidad ang mga kawani ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, Department of Science and Technology, Department of Trade and Industry, Department of Labor and Employment, miyembro ng Sangguniang Bayan, Brgy. Officials, representative from national government agencies, magsasaka, exhibitors at mga fisherfolk.

Samantala, tatanggap naman ng cash prize ang mapipiling Best Booth sa nasabing aktibidad.

Ang pagdiriwang na ito ay patuloy ng isinasagawa ng Bontoc LGU upang kanilang ibida at ipakilala ang mga iba’t ibang produkto ng munisipalidad at matulungan ang pagsulong ng pag-unlad ng sektor ng kanilang agrikultura.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles