Umarangkada ang Agri Aral Tekno Mobil ng City Agriculture Office sa Tibag Evacuation Center, Tarlac City nito lamang Miyerkules, Oktubre 5, 2022.
Ang naturang aktibidad ay pinamunuan ni Mayor Cristy Angeles, Mayor ng Tarlac City kasama ang City Agriculture Office, City Veterinary Office, City Cooperative at Enterprise Development Office.
Nagbigay kaalaman ang Agri Aral Tekno Mobil patungkol sa produksyon, pagproseso, at pagnenegosyo sa pag-aalaga ng kambing, at produksyon, ng tilapia gamit ang digital technology.
Ang mga proyekto ng pamahalaan ng Tarlac City ay sinisiguro ang kaayusan sa pamumuhay at ikauunlad ng kanilang nasasakupan.