22.7 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

Agri Aral Tekno Mobil Team handog ng Central Luzon State University

Dinaluhan ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles ang oryentasyon ng Agri Aral Tekno Mobil Team na handog ng Central Luzon State University noong Mayo 18, 2022.

Ang oryentasyon na ito ay patungkol sa pagpapayaman sa sektor ng agrikultura gamit ang digital technologies na higit na makakatulong sa mushroom production, wastong pag-aalaga ng kambing, pagpaparami ng tilapia at organikong pagtatanim na isinusulong sa lungsod sa pamumuno ni Dr. Cynthia Divina upang magkaraoon ng kabuhayan at dagdag kaalaman ang mga mamamayang Tarlakenyo sa Lungsod.

Ilan rin sa mga dumalo ay sina City Veterinarian Dr. Noel Soliman, City Agriculturist Norma Tongol, City Administrator Atty. Numer Lobo, City Legal Officer Atty. Joselito Castro, mga professors ng CLSU, mga kawani ng City Agriculture Office at City Veterinary Office, Director, Small Ruminant Center Dr. Neal Del Rosario at Organic Farm Production In-charge Mr. Jeff Mercado.

Ibinida rin ng Agri Aral Tekno Mobil Team ang Agri ATM Van kung saan maaaring magsiyasat at mag-aral ang mga magsasaka at bawat miyembro ng komunidad ukol sa libreng technology modules ng Goat Production, Mushroom Production, Organic Farming, at Tilapia Production na makikita sa kanilang website na https://agriatm.com/classes

Source: https://web.facebook.com/photo/?fbid=366565645509158&set=pcb.366566158842440

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles