14 C
Baguio City
Monday, January 20, 2025
spot_img

Advocacy Campaign sa Anti-Plastic Pollution, isinagawa sa pamamagitan ng Poster Making Competition

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Philippine Environment Month, pinatitibay ng Pamahalaang Lungsod ng Batac ang suporta nito para sa tema ngayong taon: Overcome Plastic Pollution, sa pamamagitan ng pagho-host ng poster-making competition nito lamang Miyerkules, ika-28 ng Hunyo 2023.

Ayon kay Hon. Albert D Chua, City Mayor ng nasabing lungsod, ang inisyatibo na ito ay naglalayong itaas ang kamalayan ng publiko, bunsod ng nakababahala na katotohanan na humigit kumulang 25,000 kilo ng basura at malaking bahagi nito ay mga plastic na itinatapon araw-araw sa lugar ng pagtatapon ng basura ng ating lungsod.

Ayon pa kay Hon. City Mayor Chua, ang kompetisyon ay isang inisyatibo ng Environment Management Section ng Lungsod na may 20 na kalahok mula sa pampubliko at pribadong elementarya at sekondaryang paaralan sa lungsod.

Binigyang-diin ng bawat kalahok ang pagbabawas ng mga basurang plastik at ang mahalagang papel ng mga alternatibong eco-friendly sa pamamagitan ng visually impactful at malikhaing mga disenyo ng poster.

Anim ang nagwagi mula sa paligsahan, bawat isa ay binigyan ng gantimpala ng cash at isang plake ng pagkilala para sa kanilang mga makabuluhang kontribusyon.

Ang aktibidad na ito ay hindi lamang nagtataguyod ng adbokasiya sa kapaligiran, ngunit pinalalakas din ang pagkamalikhain at pagpapahayag ng mga ideya sa ating mga nakababatang henerasyon, na ginagawa silang mahalagang kaalyado sa paglaban sa polusyon sa plastik.

Source: City Government of Batac

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles