Nagsagawa ng Adolescent Health and Development Program ang Tarlac City Population Commission Office sa Suizo Resettlement Elementary School, Tarlac City, Tarlac nito lamang Biyernes, Nobyembre 11, 2022.
Ang naturang programa ay sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Cristy Angeles, Mayor ng Tarlac City kasama ang Tarlac City Population Commission Office at sa pakikipagtulungan ng mga guro ng nasabing paaralan.
Layunin nito na mabuksan ang kaisipan ng mga mag-aaral na maiwasan ang maagang pagbubuntis at pagpapahalaga sa kanilang pag-aaral para sa kanilang magandang kinabukasan.
Patuloy ang pamahalaan ng Tarlac City sa pagbibigay ng mga kaalaman na makakabuti at ikauunlad ng kanilang nasasakupan.